Ang
wikang Sebwano (Sebwano:
Sinugboanon;
Kastila:
idioma cebuano) ay isang
wikang Awstronesyo na sinasalita sa
Pilipinas ng humigit kumulang 33 milyong tao at nasa ilalim o kasapi ng pangkat ng
mga wikang Bisaya. Ito ang may pinakamalaking bilang ng katutubong mananalita sa Pilipinas, kahit na ito ay hindi pormal na itinuturo sa mga paaralan at mga pamantasan. Ito ang katutubong wika sa
Gitnang Kabisayaan at sa ilang bahagi ng
Mindanao. Nanggaling ang pangalan ng wika mula sa pulo ng Pilipinas ng
Cebu, na hinulapi ng
Kastilang -ano (nangangahulugang likas, o isang lugar). May tatlong letrang kodigo ito sa ISO 639-2 na
ceb, ngunit walang ISO 639-1 na dalawang letrang kodigo.