Wikang Ebreo


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Wikang Ebreo
Ang Ebreo (Ebreo: עברית, ’IvritKastila: hebreo [e'βɾeo]; Ingles: Hebrew) ay isang wikang Semitiko ng sangay Apro-Asyatikong sinasalita ng anim na milyong katao karamihan sa Israel, ilang bahagi ng Palestina, ang Mga Istadong Nagkakaisa, at ng mga pamayanang Hudyo sa buong daigdig. Ang sentro ng Tanakh, ang Tora (na pinanghahawakan ng Hudaismo at Kristiyanismo sa tradisyon na unang itinala noong panahon ni Moisés mga 3,300 taong nakaraan), ay sinulat sa Ebreo. Itinuturing ito ng mga Hudyo bilang lashon hakodesh (Ebreo: לשון הקודש, “ang banal na wika”) dahil sinulat ang mga kasulatan sa wikang ito na itinuturing na banal. (Dahil dito, ang mga kasulatan lamang sa wikang ito ang isinasama sa Tanakh maliban sa aklat ni Daniel na ang karamihang bahagi ay nakasulat sa Arameo.)

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.