Ang
wikang Intsik,
wikang Tsino o
Sinitiko (汉语/漢語,
pinyin: Hànyǔ; 中文,
pinyin: Zhōngwén) ay maaaring ituring bilang isang
wika o
pamilya ng wika at orihinal na katutubong wika ng mga
Han sa
Tsina. Binubuo nito ang isa sa dalawang sangay ng Sino-Tibetan na pamilyang wika.. Isa sa anim ng populasyon ng mundo, o higit sa isang bilyong katao, ang nagsasalita ng ilang anyo ng Tsino bilang kanilang katutubong wika. Kontrobersyal ang pagkakakilala ng mga iba't ibang uri ng Tsino bilang wika o
diyalekto.. Bilang isang pamilya ng wikang Tsino na may tinatayang 1.2 bilyong tagapagsalita; may 850 milyon katutubong tagapagsalita ang
Mandarin pa lamang, na siyang pinakamaraming mananalita sa buong mundo.