Ang wikang
Italyano (o
Italyan) ay kabilang sa malaking
pamilya ng mga wikang kilala sa tawag na Indo-Europeo. Ito ay nabibilang sa sangay ng mga wikang Romanse, na nagmula sa
Latin, na kinabibilangan ng
Espanyol,
Pranses,
Portuges,
Romanian, Gallego at
Katalan. Ginagamit ang wikang ito sa
Italya,
San Marino, ilang bahagi ng
Swisa, at mga dating kolonya ng Italya sa
Aprika. Ang Italiano ay may mga
diyalektong tinatawag na
Neo-Romanse, na matatagpuan sa ibat-ibang bahagi ng Italya. Ang modernong Italiano ang
opisyal na wika, at base sa diyalektong Florentino o Toscano, mga wika na ginamit ng mga manunulat na sina
Dante Alighieri,
Francesco Petrarca, at
Boccaccio, mga itinuturing na pambatong manunulat na Italiano. Noong
Gitnang Panahon, ang Latin, ang wika ng mga Romano, ang malaganap na ginagamit sa Europa dahil sa sakop ng mga ito ang malaking bahagi ng Europa, kasama na ang ngayon ay
Espanya,
Pransya,
Portugal,
Romanya,
England,
Alemanya, at marami pang iba.