Ang
Katalan (Katalan: català; bigkas [ka·ta·lá]) ay isang wikang Romans (mga wikang nag-ugat sa
Latin). Ito ang opisyal na wika ng bansang
Andorra at kapwa-opisyal sa mga
awtonomong pamayanang Kastila ng
Kapuluang Balear at
Catalunya. Kapwa-opisyal din ito sa
Pamayanang Valenciano, kung saan tinatawag itong
Balensyano (Katalan: valencià; bigkas [va·len·syá]). Ang Espanya ang may pinakamaraming pang-araw-araw na tagapagsalita ng Katalan. Sinasalita ito ng mahigit-kumulang 9 milyong tao na naninirahan hindi lamang sa Andorra at Espanya kundi rin sa
France at
Italya.