Ang
Wikang Koreano ay ang opisyal na wika ng parehong
Hilagang Korea at
Timog Korea. Ito rin ang isa sa dalawang opisyal na wika sa Nagsasariling Prepekturang Koreano ng Yanbian sa
Tsina. Sinusulat ito sa alpabetong
Hangeul. Mahigit sa 78 milyong katao ang nagsasalita ng Koreano sa buong daigdig. Sa mahigit na isanglibong taon, ang wikang Koreano ay isinusulat kasama ng mga hiram na karakter panulat ng mga Tsino at tinawag na
hanja, kasama ang mga sistemang ponetikong gaya ng
hyangchal,
gugyeol, at
idu. Noong ika-15 dantaon, isang pambansang sistemang panulat ang tinawag na
hangul ang pinagawa ni Sejong ang Dakila, subalit hindi agad nagamit ng lahat hanggang noong lamang ika-20 dantaon, dahil sa mas pinili ng aristokrasyang
yangban noon ang paggamit ng hanja.