Ang Persiyano (mula sa Italyanongper·sia·no; Persiyano: فارسی, Fārsi; Kastila: persa) ay isang wikang Indo-Yuropeo. Opisyal itong wika sa Iran, Afganistan sa pangalang Dari (دری), at Tayikistan sa ngalang Tayiko (Тоҷикӣ, Tājiki). Nagtataglay ang wikang ito ng maraming salita galing sa Pranses at Arabo. Ginagamit ng Persiyano ang sulat Arabo, maliban sa Tayikistan kung saan ang alpabetong Siriliko ang kasalukuyang ginagamit.