Ang wikang
Polako o
Polones (
jezyk polski o
polszczyzna;
Ingles:
Polish) ay isang wikang Kanlurang
Eslabo. Ito ang opisyal na wika ng
Polonya at ang pangalawang pinakamalaking wikang Eslabo (pagkatapos ng
Ruso), na may halos 45 milyong tagapagsalita. Ang nakasulat na pamantayan nito ay ang alpabetong Polako na tumutugma sa karaniwang alpabetong Latin na may ilang mga karagdagan.