Ang mga
wikang Romanse (kilala rin bilang mga
wikang Romaniko,
wikang Latino o
wikang Neo-Latino) ay isang sangay ng subpamilyang Italiko ng
Indo-Europeong pamilya ng wika, na tumutukoy sa mga wikang nagmula sa
Latin, ang wika ng
sinaunang Roma. Mayroong halos 800 milyong mananalita ang mga wikang Romanse sa buong mundo, lalo na sa
Europa at sa
Kaamerikahan (
the Americas), at sa iba't-ibang bahagi ng mundo.