Ang
Serbiyo ang isa sa mga pamantayang bersyon ng diyasistemang Gitnang-Timog
Eslabo, na dating (at malimit pa ring) tinatawag na Serbo-Kroato (Serbo-Croatian). Pangunahing ginagamit ang Serbiyo sa
Serbiya,
Montenegro, ang Republika Srpska sa
Bosnia at Herzegovina, at ng mga Serbiyo sa ibayong dagat.