Ang
Wikang Turko ay isang wikang ginagamit ng halos 77 milyong tao sa buong mundo, at ito ay ang pinakamalaking kasapi ng mga wikang Turkiko (
Turkic languages). Karamihan sa mga mananalita ng Turko ay naninirahan sa
Turkiya at
Tsipre, kung saan opisyal na ginagamit ang wika roon, at may mas maliliit na grupo sa
Irak,
Gresya,
Bulgarya, ang
Republika ng Masedonya,
Albanya at iba pang bahagi ng
Silangang Europa. Ginagamit rin ang wika ng milyun-milyong mandarayuhan sa Europa, lalo na sa
Alemanya, kung saan may malaking
diaspora ng mga Turko roon.