Ang
Windows NT ay isang pamilya ng mga
operating system na ginawa ng
Microsoft, nilabas ang unang bersyon noong Hulyo 1993. Orihinal na binalangkas ito bilang isang makapangyarihang nakabatay sa mataas na antas na
wikang pamprograma, hindi umaasa sa prosesor, maramihang proseso, maramihang tagagamit na
operating system na may katangiang maihahalintulad sa Unix. Ninais itong buuin ang mga bersyon ng Windows na nakabatay sa
MS-DOS. Ang NT ang unang bersyong buong 32-bit ng Windows, habang ibang katulad na mga produkto, ang
Windows 3.1x at
Windows 9x, ay mga 16-bit/32-bit
hybrid. Nakabatay ang
Windows 2000,
Windows XP,
Windows Server 2003,
Windows Vista,
Windows Server 2008 (beta), at
Windows Home Server sa sistemang Windows NT, bagaman hindi sila nakatatak bilang Windows NT.