Ang
Windows XP ay isang hanay ng mga
operating system na ginawa ng
Microsoft para sa mga
desktop computer, mga
laptop at mga
media center. Sumisimbolo sa salitang karanasan “e
XPerience” ang mga titik na “XP”. Binigyan ito ng preliminaryong pangalang “Whistler” sa panahon ng paglinang nito, na isinunod sa Whistler,
British Columbia, dahil nagpadausdos ang maraming empleyado ng Microsoft sa puntahang Whistler-Blackcomb. Kapalit ng
Windows 2000 at
Windows Me ang Windows XP, at ito ang unang pang-konsumer na
operating system na itinayo sa
kernel at
arkitektura ng
Windows NT. Binago na rin ang pagkakaayos ng "Start Menu", ngunit pwede rin ito ibalik sa dating pagkakaayos katulad sa Windows 2000. Unang inilunsad ang Windows XP noong
Oktubre 25,
2001, at ginagamit ang humigit-kumulang na 400 milyong kopya, ayon sa pagtataya ng isang analysta ng IDC noong
Enero 2006. Pinalitan ito ng
Windows Vista noong
2007.