Si
Xerxes o
Asuero (Persiyano: Khshayarsha; Ebreo: אֲחַשְׁוֵרוֹשׁ, Ahashwerosh) (c. 519 - 465 BC), kilala din bilang
Jerjes I ng Persya (
'Asuero I ng Persya) at Asuero ang Dakila o (Ingles: Xerxes the Great), ay isang pinunong Persiyano. Siya ang ikaapat na hari ng
Imperyong Persiyano sa ilalim ng dinastiyang Akemenida. Sa pamamahala niya, ipinagpatuloy niya ang gawain ng kanyang ama na si
Dario I na sakupin ang kalahatan ng
Gresya sa pamamagitan ng pagsanay ng pinakamalaking hukbong sandatahan sa sinaunang panahon na umabot sa 300,000 - 2,600,000 (base sa mga kasulatan ni Herodoto tungkol sa kasaysayan) subalit natapos sa isang trahedya noong nagkasagupaan ang mga hukbong-dagat ng mga Griyego sa Salamis at winasak nila ang mga natitirang sundalong Persiyano sa pamumuno ni Pausanias sa labanan sa Plataea. Dahil sa galit ng ibang opisyal sa nangyari sa Gresya, pinatay siya ni Artabano, isang kapitan ng mga guwardiya sa palasyo doon sa
Susa.