Ang Republika ng Yemen o Yemen (Arabo: الجمهورية اليمنية), binubuo ng dating Hilaga at Timog Yemen, ay isang bansa sa Tangway ng Arabia sa Timog-kanlurang Asya at bahagi ng Gitnang Silangan, napapaligiran ng Dagat ng Arabia at Golpo ng Aden sa timog at Dagat na Pula sa kanluran, Oman sa timog-silangan at Saudi Arabia sa mga natitirang hangganan. Kabilang sa teritoryo nito ay ang pulo ng Socotra, mga 350 km ang layo sa timog. Ang isang tao o bagay na nagmula sa Yemen ay tinatawag na Yemeni. Ang kabiserang lungsod ng Yemen ay ang Sana'a.