Yugoslavia


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Yugoslabya
Ang Yugoslabya (Ingles: YugoslaviaSerbyanoKroasyano, Bosniyano, Masedonyano, Slobenyano: Jugoslavija; Sirilikong panitik: Југославија; literal na "Timog Islabya" o "Lupain ng mga Islabo ng Timog") ay isang dating bansa sa Europa. Isa rin itong katawagan na naglalarawan sa tatlong mga katawang pulitikal na magkakasunod na umiral sa kanlurang bahagi ng Tangway ng Balkan sa Europa, karamihang nasa panahon ng ika-20 daang taon. Umiral ang mga ito mula 1918 hanggang 1992. Magmula 1918 hanggang 1928, tinawag itong Kaharian ng mga Serbo, Kroato, at Islobeno. Mula 1928 magpahanggang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, pinangalanan itong Kaharian ng Yugoslabya. Pagkaraan ng digmaan, isinilang ito bilang Sosyalistang Pederal na Republika ng Yugoslabya na may anim na republika: ang Bosnya-Hersegobina, ang Kroasya, ang Masedonya, ang Montenegro, at ang Islobenya, at mayroon ding dalawang awtonomong mga lalawigan sa Serbya: ang Bodsbodina (Vojvodina) sa hilaga, at ang Kosobo, katabi ng Albanya. Noong 1991, dumating ang kasarinlan ng Islobenya, Kroasya, Republika ng Masedonya, at noong 1992 naman ay sumapit ang paglaya ng Bosnya-Hersegobina, na nagsanhi ng pagwawakas ng bansang Yugoslabya. Ang Serbya at Montenegro ang dalawang huling mga republika sa Sosyalistang Yugoslabya. Noong 1992, bumuo ang dalawang ito ng isang bagong Pederal na Republika ng Yugoslabya. Noong 2003, naging Estadong Unyon ng Serbya at Montenegro ang Serbya at ang Montenegro. Noong kalagitnaan ng 2006, natapos ang unyon ng estadong ito nang nagpasya ang Montenegro na maging malaya, kung saan 55 ng naghalal ng pagsang-ayon

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.