Zeus


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Zeus
Si Zeus (Sinaunang Griyego: Ζεύς, Zefs, Zeús; Δίας, Diós, "banal na hari") ay ang pinuno ng mga diyos at ang diyos ng kalangitan at ng kulog sa mitolohiyang Griyego. Siya ang nangingibabaw, pinakamakapangyarihan, pinakamataas, o supremong diyos ng sinaunang mga Griyego. Ginagamit niyang sandata ang kidlat na may kasamang malakas na kulog, kaya't kilala rin siya bilang "Zeus ang Tagapagkulog" (Zeus the Thunderer). Sa pamamagitan ng kidlat at kulog, napamunuan niya ang iba pang mga diyos upang makamit ang tagumpay laban sa mga higanteng nagnais na kuhanin mula sa Olimpiyanong mga diyos at diyosa ang pagtaban at pangingibabaw sa daigdig. Partikular na ginagamit din ni Zeus ang kanyang sandatang kidlat at kulog sa tuwinang magagalit. Kilala siya sa mitolohiyang Romano bilang Hupiter (Jupiter). Sa mitolohiyang Etruskano, siya si Tinia.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.