Ang
abad ay ang pinuno o ulo ng isang monasteryo. Isa itong pamagat para sa isang lalaki, na ginagamit sa sari-saring mga tradisyon na kabilang ang
Kristiyanismo. Katumbas ito ng
abadesa kung babae. Sa Griyegong Ortodoksong Simbahan, tinatawag itong
arkimandrito (mula sa Ingles na
archimandrite) kung lalaki, partikular na ang klerikong (o klerigo) mas mababa ang ranggo kaysa sa
obispo; na nagiging
arkimandrita naman kapag sa babae ginamit.. Nangangahulugan ang
abad ng "
ama". Maaari ring ibang ang tungkulin bilang isang parangal na titulo para sa isang klerikong hindi naman talaga pinuno ng isang monasteryo.