Ang
higlikas,
supernatural, o
sobrenatural (Ingles:
supernatural [bigkas: /su-per-na-tyu-ral/] o
supranatural [bigkas: /su-pra-na-tyu-ral/], at
preternatural [bigkas: /pre-ter-na-tyu-ral/], Kastila:
sobrenatural) ay nangangahulugang
higit, nakaangat, o mas mataas kaysa sa mga batas o kurso ng
kalikasan Tumutukoy ito sa kaantasan ng mga pag-iral na lumalampas sa
makaagham na nakikitang
sanlibutan o
uniberso, at mahigit kaysa sa nakakayang gawin ng isang
tao. Kaugnay ito ng mga bagay-bagay, mga nilalang, mga pangyayari o kaganapan, o mga katulad, na
mahiwaga o may
kahiwagaan, may
milagro o
kababalaghan (
penomeno),
mahimala, o
milagrosa. Sapagkat hindi ito
ayon sa o
hindi kumporme sa kalikasan, kaakibat din ito ng pagiging
di-natural,
abnormal, at
di-pangkaraniwan.