Ang
abot-tanaw,
abot ng tanaw,
guhit-tagpuan,
kagiliran,
abot-tingin,
abot ng tingin o
linyang panglangit at lupa (Ingles:
horizon) ay isang linya na naghihiwalay sa
mundo mula sa
langit, ang linya na naghahati sa lahat ng nakikitang direksyon sa dalawang kategorya: iyong mga linyang sumasalubong sa kalupaan ng
Mundo at iyong mga hindi. Sa karamihang lugar o lokasyon, nahaharangan ang
totoong guhit-tagpuan ng mga puno, gusali, bundok, at iba pa, na nagreresulta sa pagsasalubong ng Mundo at Langit na kadalasang tinatawag na
nakikitang guhit-tagpuan. Kapag tumitingin sa dagat mula sa isang pampang, ang bahagi ng dagat na malapit sa abot-tanaw ay tinatawag na
offing sa Ingles, na may kahulugang "napipinto", "kalautan", o "namiminto".