abstinence

Found in thesaurus: self-discipline, self-denial, self-control

Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Pangilin
Ang pangingilin o abstinensiya (Ingles: abstinence, abstention) ay isang kinukusa o sinasadyang pagpigil ng sarili mula sa pagpapakasawa, pagpapasasa, pagmamalabis, pagpapalayaw, pagbibigay, pagsunod sa kagustuhan, o pag-iirog sa mga gawaing pangkatawan na malawakang nararanasan bilang nakapagdurulot ng kasiyahan o kaaliwan. Sa pinaka madalas, ang kataga ay tumutukoy sa pangingiling pampagtatalik o abstinensiyang seksuwal, o abstensiyon mula sa alak o pagkain. Ang gawain ay maaaring lumitaw mula sa mga pagbabawal o prohibisyong pangrelihiyon o konsiderasyon, pagsasaalang-alang, o pamimitagang praktikal. Ang pangingilin ay maaari ring tumukoy sa mga droga o pinagbabawal na gamot, o maaaring ibang uri ng mga gamot. Halimbawa na ang pangingilin mula sa paninigarilyo. Sari-sari ang mga uri ng pangingilin. Pangkaraniwan itong tumutukoy sa isang pansamantala o bahaging pangingilin mula sa pagkain, katulad ng pag-aayuno. Sa programang may labindalawang hakbang ng Overeaters Anonymous ("Mga Hindi Nagpapakilalang Labis Kung Kumain"), ang abstinensiya ay isang kataga para sa pagpigil mula sa pagkaing kompulsibo o mapilit (mapuwersa; as diwang "basta ginusto"), na katulad ang kahulugan sa pagtitimpi sa pag-inom ng alak o nakalalasing na mga inumin. Dahil sa ang rehimen o "pamumuhay" na ito ay nilalayon na maging isang galaw na may kamalayan, malayang pinili upang mapainam ang buhay, ang abstinensiya ay paminsan-minsang ipinagkakaiba mula sa mekanismong pangsikolohiya ng represyon (pagsupil, pagsugpo, paglupig, pagdaig, o pagpigil). Ang represyon ay isang kalagayang walang kamalayan na may kinahihinatnang hindi mabuti para sa kalusugan. Tinawag ni Sigmund Freud ang pagpapaagos o pagpapadaloy ng mga enerhiyang seksuwal papunta sa ibang mga gawaing mas katanggap-tanggap na pangkultura o panlipunan bilang "sublimasyon" (malapit sa diwa ng "pagpapangibabaw").

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.
Lietuviškoji Vikipedija - laisvoji enciklopedijaDownload this dictionary
Abstinencija
Abstinencija - susilaikymas nuo lytiniu santykiu, alkoholiniu gerimu ar kitu svaiginanciu medžiagu (narkotikai). Abstinencijos priežastis gali buti religiniai draudimai, kitokia pasauležiura ar praktiniai sumetimai (pvz., sveikatos problemos).

 Noredami gauti daugiau informacijos, žiurekite Wikipedia.org ...


© Šiame straipsnyje yra naudojama medžiaga iš Vikipedijas® GNU Laisvosios dokumentacijos licencija ir pagal Creative Commons Attribution Share-Alike licencija.
Sindhi DictionaryDownload this dictionary
abstinence
اعتدال/پرهيز/تقويٰ *اسم