Ang
sining na abstrakto o
abstraktong sining ay isang sining na moderno na hindi kumakatawan ng mga
imahe ng pang-araw-araw na buhay. Mayroon itong mga
kulay, mga guhit, at mga
hugis o
hubog, subalit hindi nilalayon na kumatawan ang mga ito ng mga bagay o mga
organismo (mga bagay na may buhay). Ang mga ito ay mga larawan na walang tiyak na anyo. Sa kadalasan, ang mga artista ng sining ay naimpluwensiyahan ng mga ideya at mga pilosopiya. Ang mga sining na abstrakto ay natatagpuan sa mga
larawang ipininta at sa
eskultura. Marami ring mga akda ng sining na bahaging abstrakto, at bahaging pangrepresentasyon (representasyunal o kumakatawan). At maraming mga alagad ng sining na gumagawa ng abstrakto at iba pang mga uri ng modernong sining. Ang purong sining na abstrakto ay isang imbensiyon noong ika-20 daantaon. Lumaki at umunlad ito magmula sa mas maaga pang mga uri ng modernong sining, subalit marahil ito ay isang kilusan o pagkilos na talagang moderno o makabago. Wala itong pinag-ugatan mula sa mas maagang sining (ayon sa paggamit ng kataga sa kasalukuyan), na maaaring ilang mga sining na prehistoriko (sining sa bato) lamang ang maaaring maibilang. Maaaring maging kandidato sa pinag-ugatan nito ang mga pampalamuting mga tisa na
Islamiko na nasa
moske ng maagang mga kapanahunan.