abstraksiyon


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Abstrakto (sining)
Ang sining na abstrakto o abstraktong sining ay isang sining na moderno na hindi kumakatawan ng mga imahe ng pang-araw-araw na buhay. Mayroon itong mga kulay, mga guhit, at mga hugis o hubog, subalit hindi nilalayon na kumatawan ang mga ito ng mga bagay o mga organismo (mga bagay na may buhay). Ang mga ito ay mga larawan na walang tiyak na anyo. Sa kadalasan, ang mga artista ng sining ay naimpluwensiyahan ng mga ideya at mga pilosopiya. Ang mga sining na abstrakto ay natatagpuan sa mga larawang ipininta at sa eskultura. Marami ring mga akda ng sining na bahaging abstrakto, at bahaging pangrepresentasyon (representasyunal o kumakatawan). At maraming mga alagad ng sining na gumagawa ng abstrakto at iba pang mga uri ng modernong sining. Ang purong sining na abstrakto ay isang imbensiyon noong ika-20 daantaon. Lumaki at umunlad ito magmula sa mas maaga pang mga uri ng modernong sining, subalit marahil ito ay isang kilusan o pagkilos na talagang moderno o makabago. Wala itong pinag-ugatan mula sa mas maagang sining (ayon sa paggamit ng kataga sa kasalukuyan), na maaaring ilang mga sining na prehistoriko (sining sa bato) lamang ang maaaring maibilang. Maaaring maging kandidato sa pinag-ugatan nito ang mga pampalamuting mga tisa na Islamiko na nasa moske ng maagang mga kapanahunan.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.