Sa larangan ng
musika, ang
pagsasaliw (Ingles:
accompaniment) ay ang sining ng pagtugtog sa piling isang soloista o pangkat na pangmusika, na kadalasang nakikilala bilang pangunahing instrumento, sa paraang sumusuporta. Ang pagsasaliw ay maaaring isagawa ng nag-iisang tagaganap - isang pianista, organista, o gitarista - o maaari itong tugtugin ng isang buong ensembol (pangkat na pangtugtugin), katulad ng isang
orkestrang simponiya o kuwartet na pambagting (sa klasikal na henero), isang bandang panlikuran o seksiyon ng ritmo (sa musikang popular), o kahit na sa malaking banda o trio ng organ (sa jazz). Maaari itong ituring bilang panlikuran sa pangharapang
melodiya.