Ang
adiksiyon o
pagkakagumon, na tinatawag ding
pagkasugapa o
pagkakalulong, ay ginagamit sa maraming mga diwa o mga konteskto upang ilarawan ang obsesyon, kompulsyon, o labis na pagsandig o pagpapasailalim na
sikolohikal, katulad ng:
pagkakalulong sa bawal na gamot (halimbawa na ang
alkoholismo, pagkakalulong sa nikotina, suliraning
pagsusugal,
krimen,
salapi, labis na
pagtatrabaho, kompulsibong pagkain, adiksiyon sa
kompyuter, pagkagumon sa
larong bidyo, pagkahumaling sa
pornograpiya, adiksiyon sa
panonood ng telebisyon, at iba pang uri ng matinding pagkahaling, sobrang pagkahumaling, o labis na pagkahilig sa katulad na mga bagay.