Ang
pag-ampon,
pag-aampon,
pag-aring-anak,
ariing anak, o
adopsyon ay isang gawain ng pagkupkop at pagturing bilang tunay na
anak sa isang batang ulila. Kaugnay ng kahulugang pambatas, isa itong legal na hakbang o pamamaraang pumuputol sa legal na pagkakaugnay ng isang tao sa kanyang totoo at
biyolohikal na mga magulang o mga "magulang sa dugo at laman", at nagpapalit o nagbibigay ng bagong mga magulang. Sa
Aklat ng Henesis (Henesis 30:3) ng
Lumang Tipan ng
Bibliya, inilalarawan ang pag-aampon ng anak o bata bilang "
panganganak sa
tuhod". Sa pinalawak nitong kahulugan, ito ang paggamit ng isang tao ng hiniram na ideya o patakaran ng ibang tao o pangkat ng mga tao. Tumutukoy din ang
pag-aampon sa pagbibigay at paglalaan ng proteksyon, pagtatanggol, pagpapatuloy, pagkakanlong, at pagkandili sa isang taong nangangailangan nito.