Ang
ehersisyong aerobiko,
ehersisyong kardiyobaskular o
kardiyo (Ingles:
aerobic exercise, tinatawag ding
cardiovascular o
cardio, na may diwang "pampuso" o "para sa puso") ay isang
ehersisyong pisikal na may ukol na mababang katindihan na pangunahing nakabatay sa prosesong aerobiko na lumilikha ng enerhiya. Ang "aerobiko" ay literal na nangangahulugang "nabubuhay sa hangin", at tumutukoy sa paggamit ng
oksiheno upang may kasapatang maabot ang mga pangangailangan ng enerhiysa sa pamamagitan ng
metabolismong aerobiko. Sa pangkalahatan, ang mga gawaing may kasidhiang magaan hanggang bahagya lamang na sapat na nasusuportahan ng metabolismong aerobiko ay maaaring gawin sa loob ng nadurugtungang mga kahabaan ng oras.