Ang
espiyonahe o
pag-eespiya ay isang gawain ng pagkuha ng
impormasyon hinggil sa isang
samahan,
organisasyon, o
bansa nang palihim o kumpidensiyal, at walang pahintulot ng mga tagapaghawak o tagapag-ingat ng kinuhang impormasyon. Kinasasangkutan ito ng pagkanakakapunta sa kung saan ang kailangang kabatiran ay nakaimbak o sa mga taong nakakaalam ng impormasyon. Sa panahon ng digmaan, ang espiyonahe ay isang krimeng pangdigmaan. Ang tao na nagsasagawa nito ay tinatawag na
tiktik,
espiya, o may kalabuan bilang
ahente. Ang isang
ahente doble ay isang tao na nagkakalakal ng impormasyon sa dalawang mga partido, at hindi nalalaman ng nasabing dalawang mga partido na ang nasabing espiya ay nagtatrabaho para sa kanila na nasa ganitong katayuan.