Ang
agham pangkalusugan ay isang displina ng
nilapat na agham (
applied science) na nagbibigay kaalaman ukol sa
kalusugan ng tao at hayop. Mayroon dalawang bahagi ang agham pangkalusugan: ang pag-aaral, pananaliksik, at kaalaman sa kalusugan at paglapat ng kaalamang iyon upang mapabuti ang kalusugan, malunasan ang mga
sakit, at maunawaan kung paano mag-function ang mga tao at hayop. Binubuo ang pananaliksik sa mga likas na agham ng
biyolohiya,
kimika, at
pisika at mga agham panlipunan din (halimbawa sosyolohiyang medical).