Ang
aguhon o
kumpas ay isang kagamitang kapakipakinabang sa pagtuturo ng direksyon o patutunguhan, partikular na kung naglilibot (pangnabigasyon) sa mga karagatan at mga disyerto, o iba pang mga pook na may kakaunting mga palatandaang pook. Tinatawag din itong
mabatobalaning aguhon,
magnetikong kumpas, o
aguhon ng mandaragat, mga uri ng
panligid. Tinitiyak ng aguhon ang kapupuntahan ng isang tao na may kaugnayan sa mga mabatobalani o magnetikong polo ng daigdig. Binubuo ito ng isang magnetikong tagapagturo o
aguha (ginagamit ding pantawag sa karayom ng orasan o relo; pero hindi ito ang
aguhilya na isang pang-ipit ng buhok), isang umiikot o gumagalaw na karayom na karaniwang nakatanda para sa Hilaga - o sa Magnetikong Hilagang Polo, sa mahigpit na pananalita - at malayang nakahahanay sa mabatobalaning kalatagan ng daigdig. Naimbento ng sinaunang mga Intsik ang unang aguhon noong panahon ng
Dinastiyang Han, na isang bagay na mistulang malaking
kutsara na yari sa bato (
ore) ng magnetito (
magnetite o inang-bato ng bakal) na nakalapat sa isang parisukat na platong tansong-pula.