Ang
actinium o
aktinyo (, may sagisag na
Ac) ay isang radyoaktibong elementong matatagpuan sa mga inang-bato ng
uranyo, at pinanggagalingan ng mga sinag-alpa. Mayroon itong
atomikong bilang na 89. Natuklasan ito noong
1899 ni André-Louis Debierne. Ito ang unang elementong hindi primordiyal na elementong radyoaktibo na unang naibukod o naihiwalay, bagaman napansin din noong dati pa ang
polonyo,
radyum, at
radon, subalit hindi naibukod hanggang sa sumapit ang 1902. Ito ang pinakamatagal na
istopo (Ac 227). Mayroon itong kalahating-buhay na 21.7 mga taon. Kabilang sa mga katangian nito ang punto ng pagkatunaw (MP o
melting point) na 1,050 °C, punto ng pagkulo (BP o
boiling point) na 3,200 °C, espesipikong grabidad (SG o
specific gravity) na humigit-kumulang sa 10.07, at
V na 3. Ito ang elementong nagbigay ng pangalan sa seryeng
aktinido, na isang pangkat ng 15 katulad na mga elementong nasa pagitan ng aktinyo at ng
lawrencium sa
talaang peryodiko.