alibata


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Baybayin
Ang Baybayin (alam sa Unicode bilang Tagalog script o panitik na Tagalog) ay isang lumang paraan ng pagsulat ng mga kayumangging Pilipino (mga salitang katutubo sa kapuluan ng Pilipinas) bago pa nakarating sa kapuluan ang mga dayong Kastila. Ito ay supling sa panulat Kavi(gaya ng sa LCI 822 A.D.) na paraan ng pagsulat ng mga taga-Java at iba pang bahagi ng Timog Silangang Asya. Ito ay bahagi ng sistema o pamamaraang Brahmic (na nagsimula sa eskrito o sagisag na Sanskrit) at pinaniniwalaang ginagamit noong ika-8 siglo sa pulo ng Luzon.. Ito ay nasaksihan na ginagamit sa mga kapuluan ng Pilipinas ng mga Kastila nuong ika 16 na siglo. Ang ibang kahalintulad na mga paraan ng pagsulat ay ang mga Hanunóo, Buhid, at Tagbanwana nanatili paring gamit sa kasalukuyan sa nasabing pangkat. Ang salitang baybayín]sa kasalukuyang wikang Tagalog ay katunayang nangangahulugan ng pagsulat ng mga titik ng isang salita, o "to spell" sa wikang Ingles.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.