Ang
alimango (
Scylla serrata; Ingles:
mud crab o
mangrove crab) ay anumang hayop na pantubig (mga
crustacean) na may malapad ngunit sapad na katawan. Malalaki ang mga ito at may maitim na kulay. Nakatikom ang
tiyan nito sa ilalim ng kaniyang katawan. May sampung mga paa ang isang alimango (kabilang ang dalawang sipit). Kamag-anak ito ng mga maiitim din subalit mas maliit na
talangka at
katang. May pagkakaiba at mas malaki ang alimango kaysa sa
alimasag.