Ang
pang-aalipin ay isang uri ng
sapilitang paggawa na kung saan tinuturing o tintratro ang isang tao bilang pagmamay-ari ng iba. Inaari ang mga alipin na labag sa kanilang kalooban mula nang sila'y nabihag, nabili o sinilang, at inaalisan ng karapatan na magbakasyon, tanggihang magtrabaho, o tumanggap ng bayad (katulad ng
sahod). Maaaring bumilang sa kamakailan lamang gamit ng mga katawagang "pang-aalipin" o "alipin" ang metaporikal at analogong mga gamit na nailalapat sa mga mababang anyo ng sapilitang trabaho.