alitang Israeli-Palestino


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Salungatang Israeli–Palestino
Ang salungatang Israeli–Palestino ay isang kasalukuyang nagpapatuloy na salungatan sa pagitan ng Israel at ng Palestina. Bahagi ito ng mas malawak pang salungatang Israeli–Arabe. Marami nang tangka ang isinagawa upang mapasang-ayunan ang isang kalutasang dalawang-istado, kung saan maitatatag ang isang istadong Palestino karatig sa Israel. Sa kasalukuyan, karamihan sa mga Israeli at Palestino, ayon sa mga poll, ang higit na ninanais ang kalutasang dalawang-istado kung ihahambing sa ibang mga kalutasan bilang pamamaraan ng paglunas sa salungatan. Karamihan sa mga Palestino ang tumatanaw sa Kanlurang Pampang at sa Gasa bilang mga bubuo ng kanilang kinabukasang istado, na tinatanggap din ng karamihan sa mga Israeli. Mayroong ilang mga akademikong nagtataguyod ng kalutasang isang-istado, kung saan ang lahat ng Israel, Gasa, at ang Kanlurang Pampang ay magiging bahagi ng isang pluralistang istado na nagkakaloob ng pantay-pantay na karapatan para sa mga mamamayan nito. Gayumpaman, mayroong mararaming di-pagkakasundo hinggil sa hugis ng isang pinal na kasunduan at gayundin sa antas ng tiwala na natatanaw ng bawat panig sa kabila sa pagtibay nito ng mga saligang pangako. Maraming itinatag na media watchdog na layuning bantayan ang midiya sa anumang makita nilang kinakikilingan, totoo man o hiwatig. Dalawa na rito ang Palestine Media Watch at ang HonestReporting.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.