Ang
allele o
allel ang isa sa isang bilang ng mga alternatibong anyo ng parehong
gene o parehong locus na henetiko. Ito ang isa sa mga alternatibong anyo ng isang gene para sa isa isang katangian na lumilikha ng iba ibang mga epekto. Minsan, ang magkakaibang mga allele ay nagreresulta sa isang magkaibang mga mapagmamasdang katangiang pang-
phenotype gaya ng magkakaibang mga pigmentason. Gayunpaman, ang marami sa mga pagkakaiba sa lebel na henetiko ay nagreresulta sa kaunti o walang mapagmamasdang pagkakaiba. Ang karamihan ng mga organismong multiselular ay may dalawang mga hanay ng mga
kromosoma o diploid. Ang mga kromosomang ito ay tinatawag na homolohosong mga kromosoma. Ang mga organismong diploid ay may isang kopya ng bawat gene at kaya ay isang allele sa isang kromosoma. Kung ang parehong mga allele ay pareho, ang mga ito ay mga homozygote. Kung ang mga alelle ay magkaiba, ang mga ito ay heterozygote. Ang isang populasyon o species ng mga organismo ay tipikal na kinabibilangan ng mga maraming mga allele sa bawat locus sa iba't ibang mga indibidwal. Ang pagkakaibang alleliko sa isang locus ay masusukat bilang ang bilang ng mga allele(polymorphism) na umiiral o ang proporsiyon ng mga heterozygote sa populasyon.