- Para sa iba pang halamang almendro, tingnan ang almendro (paglilinaw).
Ang
almendras o
almendro (Ingles:
almond tree,
almond nut,
almond, o
cork nut; Kastila:
almendra) ay isang uri ng
bungang mani at
puno nito. Bagaman tinatawag din itong
pili, ang tunay na punong pili ay ang punong
Canarium ovatum Prunus dulcis ang pangalang pang-agham nito, ngunit may iba itong mga pangalang siyentipiko o kasingkahulugan:
Prunus amygdalus Batsch.,
Amygdalus communis L.,
Amygdalus dulcis Mill.). Isang
uri ng
Prunus ang almendras at kabilang sa
subpamilyang Prunoideae ng pamilyang Rosaceae; sa loob ng
Prunus, ibinibilang ito sa mga
walnut sa subsaring
Amygdalus, na maipagkakaiba mula sa iba pang mga subsari (subhenero) sa pamamagitan ng mga kulubot sa balat ng mga buto nito. Almendro (
almond) din ang tawag sa
buto ng punong ito. Sa larangan ng
botaniya, hindi ito itinuturing na isang tunay na
mani, bagaman laging natatawag na mani sa karaniwang usapan.