alon na panggrabitasyon


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Alon ng grabitasyon
Sa pisika, ang mga along grabitasyonal o along panggrabitasyon (Ingles: gravitational waves) ang mga teoretikal na kurbada ng espasyo at oras na lumalaganap bilang isang alon at naglalakbay papalayo mula sa pinagmulan. Ito ay hinulaang umiiral ni Albert Einstein noong 1916 batay sa kanyang teoriya ng pangkalahatang relatibidad. Ang mga along grabitasyonal ay teoretikal na naghahatid ng enerhiya bilang isang grabitasyonal na radiyasyon. Ang mga pinagmulan ng mga along grabitasyonal ay posibleng kinabibilangan ng mga sistema ng binaryong bituin na binubuo ng mga puting dwende, bituing neutron o mga itim na butas. Ang eksistensiya ng mga along grabitasonal ay posibleng ang kinahihinatnan ng inbariansang Lorentz ng pangkalahatang relatibidad dahil ito ay nagdadala ng konseppto ng isang naglilimitang bilis ng mga pisikal na interaksiyon dito. Ang mga along grabitasyonal ay hindi maaaring umiral sa batas grabitasyon ni Newton dahil ang mga pisikal na interaksyon dito ay lumalaganap sa walang hangganang bilis.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.