Ang
elektromagnetikong liboy o
elektromagnetikong alon ay isang
alon o
liboy sa puwang o espasyo na may mga bahaging may
kuryente (
elektriko) at may
balani (magnetiko). Ang
radyasyong elektromagnetiko ay inuuri ayon sa
dalas ng alon: kabilang sa mga uring ito, ayon sa pagkakasunud-sunod ng kadalasan, along radyo, mikro-alon, radyasyong terahertz, radyasyong inprared,
nakikitang liwanag, radyasyong ultrabiyoleta,
sinag-X, at mga
sinag na gamma. Sa ilang mga kontekstong teknikal, ang buong saklaw ay tinutukoy bilang 'liwanag' o 'ilaw' lamang.