Sa
pisika, ang mga
along grabitasyonal o
along panggrabitasyon (Ingles:
gravitational waves) ang mga
teoretikal na kurbada ng espasyo at oras na lumalaganap bilang isang
alon at naglalakbay papalayo mula sa pinagmulan. Ito ay hinulaang umiiral ni
Albert Einstein noong 1916 batay sa kanyang
teoriya ng pangkalahatang relatibidad. Ang mga along grabitasyonal ay teoretikal na naghahatid ng
enerhiya bilang isang grabitasyonal na
radiyasyon. Ang mga pinagmulan ng mga along grabitasyonal ay posibleng kinabibilangan ng mga sistema ng binaryong bituin na binubuo ng mga puting dwende, bituing neutron o mga
itim na butas. Ang eksistensiya ng mga along grabitasonal ay posibleng ang kinahihinatnan ng inbariansang Lorentz ng
pangkalahatang relatibidad dahil ito ay nagdadala ng konseppto ng isang naglilimitang bilis ng mga pisikal na interaksiyon dito. Ang mga along grabitasyonal ay hindi maaaring umiral sa
batas grabitasyon ni Newton dahil ang mga pisikal na interaksyon dito ay lumalaganap sa walang hangganang bilis.