Ang
alpabetong Siriliko (o
azbuka, mula sa mga lumang pangalan ng mga unang titik) ay isang
alpabetong ginagamit sa pagsusulat ng anim na natural na
wikang Islabo (
Biyeloruso,
Bulgaro, Masedonyo,
Ruso,
Serbiyo, at
Ukranyo) at ng mga iba’t iba pang wika ng dating
Unyong Sobyet (
Tayiko),
Asya (Monggol), at silangang
Europa. Hindi lahat ng mga titik sa alpabetong Siriliko ay ginagamit sa isa't-isang wika na nakasulat kasama ang alpabetong ito.