Ang
aluminum o
aluminyo (, atomikong bilang = 13; atomikong timbang = 26.98, punto ng pagkatunaw = 660.2 °C, punto ng pagkulo = 2,467 °C, ispesipikong grabidad = 2.69, V = 3, simbolo:
Al, malaking
A na sinundan ng maliit na
L) ay isang metalikong elemento na maputi ang kulay at katulad ng
pilak. Ito ang elementong itinuturing na pinakarami ang bilang sa balat ng lupa, bagaman natatagpuang nakalangkap sa iba pang mga elemento. Natuklasan ito ni
Hans Christian Ørsted noong
1825. Ginagamit ito sa pag-gawa ng mga kasangkapang magagaan, hindi kalawangin, at matitibay o matitigas, katulad halimbawa ng sa kaldero at sa bubong ng bahay.