amnion


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Amnion
Ang amnion o amnyon ay isang manipis na supot o suput-suputan na mayroong pluwido o parang tubig na kinalulutangan o kinalalagyan ang mabubuong sanggol (fetus) o embriyong nasa sinapupunan ng inang babae. Sa hayop, ito ang bumabalot sa embriyo ng itlog ng ibon at ng reptilya. Sa tao, mahalaga ang kayarian o istrukturang ito sa maagahang mga yugto ng pag-unlad ng sanggol bago ito ipanganak sapagkat mismo ang lumilikha ng pluidong amniotiko, ang pluwidong kinalulutangan ng hindi pa isinisilang na batang tao. Binubuo ang amniotikong pluidong ito ng mga "tubig" na tumatakas sa maagang yugto ng panganganak.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.