Ang mga
Ampibyan ang mga kasapi ng klaseng
Amphibia gaya ng mga
palaka,
salamander,
newt at
caecilian, ay mga hayop na may malamig na dugo na dumadaan sa
metamorphosis mula sa batang anyo na humihinga sa tubig hanggang sa matandang humihinga ng hangin. Ang amphibians ay kalimitang may apat na paa. Hindi gaya ng ibang mga hayop sa lupa (
amniotes), ang mga ito ay nangingitlog sa tubig gaya ng mga ninuno nilang mga isda. Sila ay may pagkakahawig sa mga
reptilya.