anaerobic exercise


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Ehersisyong anaerobiko
Ang ehersisyong anaerobiko (Ingles: anaerobic exercise) ay ang ehersisyong sapat lamang upang makapag-udyok ng metabolismong anaerobiko (permentasyon ng asidong laktiko). Ginagamit ito ng mga atleta sa mga isports o palarong hindi pangpatagalan ng kakayahan upang makapagpaunlad ng lakas, tulin, at kapangyarihan; at pati na ng mga naghuhubog ng katawan upang makabuo ng tipak ng mga masel. Ang mga sistema ng enerhiya na pangmasel na sinanay sa pamamagitan ng ehersisyong anaerobiko ay kaiba ang pag-unlad kapag inihambing sa ehersisyong aerobiko, na humahantong sa mas mahusay na pagganap ng mga gawaing mataas ang antas ng katindihan sa loob ng maikling panahon, na tumatagal lamang ng mga segundo o magpahanggang sa 2 mga minuto. Ang anumang mga gawain na nagtatagal na mas mahaba kaysa sa dalawang mga minuto ay mayroong malaking bahaging metaboliko na aerobiko.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.