Ang
analisis (Ingles:
analysis),
pagsusuri, o
paglilitis ay ang proseso ng paghihimaymay ng isang masalimuot na paksa o sustansiya upang maging mas maliliit na mga bahagi, upang makatanggap ng isang mas mainam na pagkaunawa rito. Ang tekniko ay ginamit sa pag-aaral ng
matematika at
lohika bago pa man ang panahon ni
Aristotle (384–322 BK), bagaman ang
analisis ay isang pormal na konsepto o diwa na halos kamakailan lamang umunlad.