Ang
anatomiya ng tao ay ang maka-agham na pag-aaral ng
morpolohiya ng may-gulang na katawan ng
tao. Hinati-hati ito sa mga bahaging magaspang na anatomiya (
gross anatomy) at mikroskopikong anatomiya (
microscopic anatomy). Ang magaspang na anatomiya (na tinatawag ding topograpikong anatomiya, anatomiyang rehiyonal, o antropotomiya) ay ang pag-aaral ng mga istrukturang pang-anatomiya na makikita ng mga mata na hindi tinutulungang ng mga kagamitang katulad ng salamin o
mikroskopo. Ang mikroskopikong anatomiya ay ang pag-aaral ng mga maliliit na istrukturang anatomikal sa tulong ng mga mikroskopo, na kinabibilangan ng
histolohiya (ang pag-aaral ng organisasyon ng mga tisyu), at ng
sitolohiya (ang pag-aaral ng mga selula).