Ang
anatomiyang hambingan o
pahambing na anatomiya ay ang makaagham na pag-aaral ng mga pagkakatulad at pagkakaiba sa
anatomiya ng mga
organismo o ang paghahambing ng mga
katawan ng mga
hayop. Napakalapit ang kaugnayan nito sa
biyolohiyang ebolusyonaryo at
piloheniya (ang
ebolusyon ng mga
uri). Layuning ng anatomiyang hambingan ang makita ang kayariang pangganap ng mga katawang ito, at makapagpasya sa ugnayang
pilohenetiko sa pagitan ng iba't ibang mga pangkat ng mga hayop. Ang paghihiwahiwalay ng mga hayop sa
phyla o
lapi ay pangunahing nagagawa sa pamamagitan ng anatomiyang hambingan (tingnan ang Talaan ng mga lapi ng mga hayop).