Batay sa
anatomiya ng tao, ang ugpungan ng
bukung-bukong o
bukungbukong ay nabuo kung saan nagsasalubong ang
paa at ang
hita. Isang tila-seradurang dugtungang sinobyal ang bukung-bukong o
ugpungang talocrural na nagdirikit sa mga malayong (distal) dulo ng
lulod at fibula sa mababang bahagi ng paa at sa malapit (proksimal) na dulo ng
butong talus sa paa. Mas pumapasan ng mas maraming bigat ang kilos (artikulasyon) sa pagitan ng tibia at ng talus kaysa sa pagitan ng mas maliit na fibula at ng talus. Sa anatomiya ng hayop, tinatawag na
pata ang bukung-bukong.