Ang
Melanogrammus aeglefinus (Ingles:
haddock; Espanyol:
eglefino,
anón) ay isang uri ng isdang namumuhay sa hilagang
Karagatang Atlantiko. Sa dagat lamang ito nabubuhay. Mahalagang isda ang eglepino para sa industriya ng pangingisda. Madaling makilala ang isda dahil sa itim nitong guhit sa puting gilid nito; at mayroon ding maitim at bilog na batik sa likod ng hasang. Tumitimbang na may 1 hanggang 4 na mga libra ang mga nahuhuling eglepino.